Blog Archives

Pasiklaban sa PIDABS, Sinimulan na

Pasiklaban sa PIDABS Sinimulan na

KOOPERASYON AT BUONG HUSAY na paghahanda ang naging susi sa pagkakamit ng unang puwesto ng limang mag-aaral ng Calumpang National High School Team sa Pre-Elimination Phase ng Pasiklaban. Tumanggap sila ng medalya at P2,000 mula sa PWU.

Hinamon ang kakayahan ng mga piling mag-aaral sa sekondarya nang masimulan ang kauna-unahang “Pasiklaban sa Pidabs 2014 – The First Inter High School National Skills Exhibition”, hatid ng Philippine Women’s University.

Layunin nito na maipamalas ang abilidad ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kursong pangkolehiyo at maalalayin din sa pagpili nito. Ang paligsahan ay bukas tangi lamang sa mga mga mag-aaral na nasa ikaapat na antas.

Sa PWU Sta. Cruz Campus, dumaan ang mga kalahok sa Pre-Eliminations Phase sa pamamagitan ng isang “Quiz Bee” noong Oktubre 28 at 29. Nilahukan ito ng 18 paaralan sa lalawigan na pinangkat sa tatlo kung saan walong paaralan ang naging kwalipikado sa gaganaping Eliminations Phase sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Sa Eliminations Phase, bibigyan ng weekly challenge ang mga kalahok. Bawat pagsubok ay may kalakip na puntos na kung sino ang may pinakamataas, siya ang dadalhin sa Final Round sa Pebrero 2015 sa PWU Manila upang makipagtagisan sa mga kalahok na magmumula sa iba’t ibang lalawigan. Magkakamit ng P100, 000 ang grupong magkakampyon.

Magpapatuloy ang pasiklaban ng mga talento at talino ng walong pinakamahuhusay na paaralan na kinabibilangan ng Calumpang NHS, Liceo de Pila, Balian NHS, Talangan NHS, South Bay Montessori School, Banca-Banca NHS at St. Mary’s Academy of Nagcarlan at Colegio Monterei de Pila.

Nagcarlan Red Cross Youth, Itinatag

(ORIHINAL NA AKDA NI ZYNELL MANGILIN)

Nagcarlan, Laguna – Upang maisakatuparan ang pagbuo sa pamunuan ng Red Cross Youth of Nagcarlan, isang RCY Convention ang inilunsad sa Fiona’s Function Hall, noong Setyembre 6.

Pinangunahan ni G. Cynex Sollorano at G. Neon Ramos nasabing pagpupulong. Mahigit kumulang 150 kabataan ang dumalo na nagmula sa iba’t ibang barrio sa munisipalidad na hinati sa walong distrito.

Kabataan ang Pag-asa ng bayan: Ang mga kasapi ng Red Cross Youth of Nagcarlan habang nagsasagawa ng isang aktibidad

Kabataan ang Pag-asa ng bayan: Ang mga kasapi ng Red Cross Youth of Nagcarlan habang nagsasagawa ng isang aktibidad

Tampok sa unang bahagi ang “RCY Reorientation” kung saan naging tagapagsalita si Dir. James Andrew T. Antioquia, isa sa mga direktor ng Red Cross – Laguna Chapter. Sinundan ito ng pagtalakay ni Dir. Alvin John Valdez sa mga proyektong naisakatuparan ng RCY noong mga nagdaang buwan. Samantala, nagbigay naman ng inspirasyon sa mga kalahok ang isang Testimonial Speech mula kay Bb. Heinriette Vienne Villapando tungkol sa mga karanasan niya bilang miyembro ng nasabing organisasyon. May kinalaman naman sa First Aid Training ang ibinahaging kaalaman ni G. Alvin Kuan.

Ipinagpatuloy ang programa noong ika-2 ng hapon kung saan binigyang pansin ang talakayan may kinalaman sa “7 Principles of

Red Cross” na binigyang buhay ni Hon. Rexon Arevalo. Bilang huling paksa, pinagtuonan ng pansin ang tema ng programa kung saan nagkibahagi ang bawat kalahok.

Naging tampok sa programa ang eleksyon sa pamunuan ng kauna-unahang Nagcarlan RCY. Ayon kay G. Sollorano, inaasahang mas mapapabilis ang mga aktibidad ng Red Cross Youth sa bayan, sa tulong ng itinatag na organisasyon.

Red Cross Youth Calumpang Council Nagcarlan

Ang mga mag-aaral ng Calumpang NHS na kabilang sa mga nakilahok sa Convention

TEDDY BEAR: MAIKLING PILIKULA

Inihahandog ng CNHS Productions ang kauna-unahang maikling pilikula ng paaralan na lumahok sa Pang-cluster na paligsahan ng Buwan ng Wika. Ito ay pinamagatang “Teddy Bear”, ang “love story” ng magkasintahang si Elise at Henry sa gitna ng kalamidad.

Tampok bilang pangunahing tauhan si Agea Alvarez na gumanap sa katauhan ni Elise, John Heinrich Esteban bilang Henry, Russel Collo bilang Ama ni Elise, John Paul Pelojero bilang si Jake na “best friend ni Elise”. Si Jennifer Betorio at Minnie Dava naman ang naging kapatid ni Elise, Newscaster si Shane Doria at si Carlo Arbis bilang Volunteer. Nakaayon ang pilikula sa direksyon ni Zynell Mangilin at sa patnubay ni Gng. Maylyn Elisan at Gng. Elenita Sopeña.

Nagsimula ang kuwento sa nakakikilig na pagkikita ni Henry at Elise sa kanilang “11th Monthsary” kung saan niregaluhan ni Henry si Elise ng Teddy Bear. Naging suliranin sa istorya ang pagiging sarado ng ama ni Elise sa kaniyang kasintahan dahil sa estado ng pamumuhay. Dagdag pa, ang palihim na pagkuha ni Jake sa Teddy Bear ni Elise dahil sa selos ang naging dahilan kung bakit lalong naging magulo ang pamilya. Hanggang sa may isang bagyong dumating na nagdulot ng malakas na baha, iniligtas ni Henry ang pamilya ni Elise habang si Jake ay nasagip si Elise. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kapayapaan sa pag-itan ng mga pangunahing tauhan. Nang matapos ang baha, natagpuan ni Jake ang ninakaw niyang Teddy bear at ibinalik it okay Elise nang may pagsisisi. Nagtapos ang kwento na may pagtutulungan at pagbangon sa kalamidad.

Nakapaloob dito ang mabubuti at masasamang ugali ng Pilipino tulad ng pagiging mapagmataas, seloso at mapaghinala, na pagpalala sa takbo ng kaganapan. Ngunit sa kabuoan, ipinakikita sa pilikulang ito ang natatanging ugali ng mga Pinoy – ang pagkakaisa sa kabila ng mga suliranin.

Mapapanuod ang maikling pilikulang ito sa “http://www.youtube.com” . I-search ang “Teddy Bear CNHS”. Maaari ding magtungo sa opisyal na website ng “Ang Calumpang” sa “https://cnhstheachievers.wordpress.com”.

Kaunting Kaalaman

Kinalap ni Juvy Baltazar

Sa Republikang Georgia, saTimog-Silangana Europa, “ang bilang  ng diborsyo ay halos na doble nitong nakaraang sampung taon.” Ang karamihan sa mga nagdidiborsyo ay wala pang 20 anyos.

–          FINANCIAL GEORGIA

Sa Ireland, 17 porsiyento ng mga edad 11 hanggang 16 ang nagbibigay ng kanilang buong pangalan sa Internet sa isa na hindi nila kilala. Ang 10% ay nagbibigay rin ng kanilang e-mail address, numerong cellphone at picture.

–          THE IRISH FOR THE PREVENTION OF CRUELTY TO THE CHILDREN

Mga 4% lamang ng sunog sa kagubatan sa buong daigdig ang gawa ng kalikasan. Ang lahat ng iba pang kaso ay kagagawan ng tao – ito man aykapabayaan o sinasadya.

–          PRESSEPORTAL, GERMANY

Noong pasimula ng 2011, may 5.4 bilyong subscription para sa linya ng cellphone sa buong mundo.

–          UN CHRONICLE, E.U.A.