Pasiklaban sa PIDABS, Sinimulan na

Pasiklaban sa PIDABS Sinimulan na

KOOPERASYON AT BUONG HUSAY na paghahanda ang naging susi sa pagkakamit ng unang puwesto ng limang mag-aaral ng Calumpang National High School Team sa Pre-Elimination Phase ng Pasiklaban. Tumanggap sila ng medalya at P2,000 mula sa PWU.

Hinamon ang kakayahan ng mga piling mag-aaral sa sekondarya nang masimulan ang kauna-unahang “Pasiklaban sa Pidabs 2014 – The First Inter High School National Skills Exhibition”, hatid ng Philippine Women’s University.

Layunin nito na maipamalas ang abilidad ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kursong pangkolehiyo at maalalayin din sa pagpili nito. Ang paligsahan ay bukas tangi lamang sa mga mga mag-aaral na nasa ikaapat na antas.

Sa PWU Sta. Cruz Campus, dumaan ang mga kalahok sa Pre-Eliminations Phase sa pamamagitan ng isang “Quiz Bee” noong Oktubre 28 at 29. Nilahukan ito ng 18 paaralan sa lalawigan na pinangkat sa tatlo kung saan walong paaralan ang naging kwalipikado sa gaganaping Eliminations Phase sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Sa Eliminations Phase, bibigyan ng weekly challenge ang mga kalahok. Bawat pagsubok ay may kalakip na puntos na kung sino ang may pinakamataas, siya ang dadalhin sa Final Round sa Pebrero 2015 sa PWU Manila upang makipagtagisan sa mga kalahok na magmumula sa iba’t ibang lalawigan. Magkakamit ng P100, 000 ang grupong magkakampyon.

Magpapatuloy ang pasiklaban ng mga talento at talino ng walong pinakamahuhusay na paaralan na kinabibilangan ng Calumpang NHS, Liceo de Pila, Balian NHS, Talangan NHS, South Bay Montessori School, Banca-Banca NHS at St. Mary’s Academy of Nagcarlan at Colegio Monterei de Pila.

Advertisement

About zynell02

nothing...

Posted on October 31, 2014, in News and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: