News
Calumpang NHS Dominates in Pasiklaban sa Pidabs 2014

THE CELEBRATION OF HARDWORK! Even the crowd joins the celebration of the over-all champion – Calumpang National High School. With the CNHS group are PWU PSP Chairman Mrs. Lerma Elca Marcelo and Marketing Officer Ms. Jizelle Valenzuela.
Nagcarlan, Laguna – Students of Calumpang National High School, together with their coach Mr. Arnel and Mrs. Lizette Mangilin, proved their skills in technology as they top at the Pasiklaban sa Pidabs 2014 Eliminations Phase. They were awarded as the Over-All Champion at the SunStar Mall, Sta Cruz, Laguna last January 15. (Sundan)
PAGBATI: Mangilin at Reyes Wagi sa DSSPC’14
Nag-uwi ng dalawang karangalan ang patnugutan ng “Ang Calumpang” kung saan isa ang pasok sa Regional School’s Press Conference (RSPC) sa ginanap Division School’s Press Conference noong Oktubre 15-17 sa Liliw Central Elementary School, Liliw, Laguna (Sundan)
Pasiklaban sa PIDABS, Sinimulan na

KOOPERASYON AT BUONG HUSAY na paghahanda ang naging susi sa pagkakamit ng unang puwesto ng limang mag-aaral ng Calumpang National High School Team sa Pre-Elimination Phase ng Pasiklaban. Tumanggap sila ng medalya at P2,000 mula sa PWU.
Hinamon ang kakayahan ng mga piling mag-aaral sa sekondarya nang masimulan ang kauna-unahang “Pasiklaban sa Pidabs 2014 – The First Inter High School National Skills Exhibition”, hatid ng Philippine Women’s University. (Sundan)
Nagcarlan Red Cross Youth, Itinatag
Nagcarlan, Laguna – Upang maisakatuparan ang pagbuo sa pamunuan ng Red Cross Youth of Nagcarlan, isang RCY Convention ang inilunsad sa Fiona’s Function Hall, noong Setyembre 6.
Pinangunahan ni G. Cynex Sollorano at G. Neon Ramos nasabing pagpupulong. Mahigit kumulang 150 kabataan ang dumalo na nagmula sa iba’t ibang barrio sa munisipalidad na hinati sa walong distrito.
Tampok sa unang bahagi ang “RCY Reorientation” kung saan naging tagapagsalita si Dir. James Andrew T. Antioquia, isa sa mga direktor ng Red Cross – Laguna Chapter. Sinundan ito ng pagtalakay ni Dir. Alvin John Valdez sa mga proyektong naisakatuparan ng RCY noong mga nagdaang buwan. (Sundan)
NAGCARLAN, ISINUSULONG ANG TURISMO
Parine na sa Nagcarlan!
Bilang pagtugon sa Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009, isang pagpupulong ang Binuksan ng Sangguniang Bayan ng Nagcarlan, Lupon ng Turismo at Industriya noong ika-12 ng Setyembre.
Nakapaloob sa nasabing pagpupulong ang pagdinig hinggil sa pagbuo ng Municipal Tourism Council of Nagcarlan
na magsusulong ng turismo sa bayan… (Sundan)
Techno Club Pinangunahan ang Buwan ng Nutrisyon
Pinangunahan ng Techno Club, sa pamumuno ng kanilang pangulong si Zynell Mangilin ang pagdaraos ng pagdiriwang Buwan ng Nutrisyon noong nakaraang Hulyo. Ito ay may temang “Kalamidad Paghandaan, Gutom at Malnutrisyon Agapan!”
Naglunsad ng mga palighasan ang samahan na idinaos isang beses sa isang linggo. Kabilang rito ang Slogan Making sa unang linggo at Doodle Art Making sa ikawalang linggo…. (Sundan)
Leave a comment
Comments 0