Category Archives: June to October 2012

CNHS Voice Dominates in LU Inter High School Singing Competition

Congratulations to Arjay Reyes of Calumpang National High School for being the Champion of Laguna University Inter High School Singing Competition — at San Luis Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna.

TEDDY BEAR: MAIKLING PILIKULA

Inihahandog ng CNHS Productions ang kauna-unahang maikling pilikula ng paaralan na lumahok sa Pang-cluster na paligsahan ng Buwan ng Wika. Ito ay pinamagatang “Teddy Bear”, ang “love story” ng magkasintahang si Elise at Henry sa gitna ng kalamidad.

Tampok bilang pangunahing tauhan si Agea Alvarez na gumanap sa katauhan ni Elise, John Heinrich Esteban bilang Henry, Russel Collo bilang Ama ni Elise, John Paul Pelojero bilang si Jake na “best friend ni Elise”. Si Jennifer Betorio at Minnie Dava naman ang naging kapatid ni Elise, Newscaster si Shane Doria at si Carlo Arbis bilang Volunteer. Nakaayon ang pilikula sa direksyon ni Zynell Mangilin at sa patnubay ni Gng. Maylyn Elisan at Gng. Elenita Sopeña.

Nagsimula ang kuwento sa nakakikilig na pagkikita ni Henry at Elise sa kanilang “11th Monthsary” kung saan niregaluhan ni Henry si Elise ng Teddy Bear. Naging suliranin sa istorya ang pagiging sarado ng ama ni Elise sa kaniyang kasintahan dahil sa estado ng pamumuhay. Dagdag pa, ang palihim na pagkuha ni Jake sa Teddy Bear ni Elise dahil sa selos ang naging dahilan kung bakit lalong naging magulo ang pamilya. Hanggang sa may isang bagyong dumating na nagdulot ng malakas na baha, iniligtas ni Henry ang pamilya ni Elise habang si Jake ay nasagip si Elise. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kapayapaan sa pag-itan ng mga pangunahing tauhan. Nang matapos ang baha, natagpuan ni Jake ang ninakaw niyang Teddy bear at ibinalik it okay Elise nang may pagsisisi. Nagtapos ang kwento na may pagtutulungan at pagbangon sa kalamidad.

Nakapaloob dito ang mabubuti at masasamang ugali ng Pilipino tulad ng pagiging mapagmataas, seloso at mapaghinala, na pagpalala sa takbo ng kaganapan. Ngunit sa kabuoan, ipinakikita sa pilikulang ito ang natatanging ugali ng mga Pinoy – ang pagkakaisa sa kabila ng mga suliranin.

Mapapanuod ang maikling pilikulang ito sa “http://www.youtube.com” . I-search ang “Teddy Bear CNHS”. Maaari ding magtungo sa opisyal na website ng “Ang Calumpang” sa “https://cnhstheachievers.wordpress.com”.

Kaunting Kaalaman

Kinalap ni Juvy Baltazar

Sa Republikang Georgia, saTimog-Silangana Europa, “ang bilang  ng diborsyo ay halos na doble nitong nakaraang sampung taon.” Ang karamihan sa mga nagdidiborsyo ay wala pang 20 anyos.

–          FINANCIAL GEORGIA

Sa Ireland, 17 porsiyento ng mga edad 11 hanggang 16 ang nagbibigay ng kanilang buong pangalan sa Internet sa isa na hindi nila kilala. Ang 10% ay nagbibigay rin ng kanilang e-mail address, numerong cellphone at picture.

–          THE IRISH FOR THE PREVENTION OF CRUELTY TO THE CHILDREN

Mga 4% lamang ng sunog sa kagubatan sa buong daigdig ang gawa ng kalikasan. Ang lahat ng iba pang kaso ay kagagawan ng tao – ito man aykapabayaan o sinasadya.

–          PRESSEPORTAL, GERMANY

Noong pasimula ng 2011, may 5.4 bilyong subscription para sa linya ng cellphone sa buong mundo.

–          UN CHRONICLE, E.U.A.

Paghahanda Para sa Lindol

Ni Zynell Mangilin

Isang pagsasanay ang isinagawa sa paaralan bilang paghahanda sa mga kalamidad tulad ng lindol na sinimulan noong ika-7 ng umaga, Hunyo 29, 2012. Pinangunahan ito ng G. Nilo Perez at Gng. Marilyn Bagabagon. Lahat ng guro at mag-aaral sa paaralan.

Unang itinuro ang mga pagnahing hakbang na dapat gawin kapag umapit ang lindol. Ayon sa dalawang guro, dapat maghanap ng maaaring pagtaguan kapag nagsimulang yumanig ang lupa. Magtakip din ng ulo upang huwag mawalan ng malay kung may malaglag na bagay.

Upang masubok kung talagang naunawaan ito ng mga mag-aaral, isinagawa nila ang kanilang natutunan. Sa simula, may mga estudyante na nagkakamali kaya ipinaulit ito. Mas naging maayos ito sa ikalawang pagsubok.

Ang mga mag-aaral ng unang pangkat na lamang ang natira matapos ang isinagawang paghahanda. Itinuro ni G. Perez ang mga karagdagan pang impormasyon sa paggamit ng “first aid”. Isa itong kapakinabangan sa mga mag-aaral dahil magagamit nila ito upang makapagligtas ng buhay.

Nang matapos na ang buong programa, bumalik ang mga mag-aaral sa kanilang silid upang ipagpatuloy ang klase. Isa na namang panibagong kaalaman!

Pinakamalaking Bulaklak sa Daigdig!

ni Juvy Baltazar

“Halikayo, Sir, dali, may malaking bulaklak, ang laki-laki ang ganda-ganda, kakaiba”, ang sabi ng sabik na guide ni Joseph Arnold noong nangongolekta siya ng mga halaman sa islang Sumatra sa Indonesia.

Ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo ay ang Rafflesia Arnoldii, naisinunod sa pangalan nina Joseph Arnold at Sir Thomas Stanford Raffles, na siyang nakadiskubre ng halamang ito. Gaano kaya kaganda ang bulaklak na ito? Siguro naman ay hinding-hindi mo itong bouquet?

Una, dahil sa laki nito. Maaari itong lumaki ng hanggang isang metro ang diyametro – sinlaki ng gulong ng  bus – at tumitimbang ito na halos labing-isang kilo. Mayroon itong limang talulot na kulay pula at tadtadngputingkulugo. Ang pinaka gitna ng bulaklak ay parang palayok na nakapaglalaman ng hanggang anim na litro ng tubig.

Ikalawa, dahil sa amoy nito. Sa isang paglalarawan, ang rafflesia ay amoy “bulok na bangkay ng bupalo”. Ang langaw ay kumakain ng nabubulok na bagay ang pangunahing tagapagdal ang polen nito dahil gustong-gusto nito ang mabahong amoy ng rafflesia.

Ang rafflesia ay walang tangkay ,dahon o ugat. Isa itong parasite ng ilang uri ng halamang baging sa sahig ng kagubatan. Kapag sumibol ang buko ng rafflesia, aabutin ng sampung buwan bago ito lumaki ng husto.Pero ang kakaiba ng ganda ng bulaklak naito ay hindi nagtatagal. Pagkalaanlan ng ilang araw, magsisimula na itong mabulok at nag-iiwan nalang ng isang maitim at malagkit na kimpal.

Ngunit ang pambihirang Rafflesia Arnoldii na ito ay nanganganib na ring maubos. Kinukuha ang mga ito para gawing pagkain o tradisyunal na gamot. Malapit ng mabuos dahil sa pa tuloy na pagsira sa mauling kagubatan kung saan ito naninirahan.