Category Archives: Editorial

ZERO-based Grading System IN or OUT?

Ni Jonas Ortigueras Jr.

Isa ka ba sa mga nasa top? Nagkakaroon ka ba ng ‘line of seven’ noon? Kung dati hindi baguhin natin ngayon, uso na ang line of seven at bilang isang tipikal na estudyante, masasabi kong mas mahirap ang kompetisyon ngayon. Sa pagmamasid ko sa aming mga guro, kahit sila ay nahihirapan sa mga gradong ibibigay nila sa amin. Daing din ng ibang estudyante ang pagkakaroon ng mababang marka sa paglulunsad ng rubric system o ZERO-based grading system. Sadyang malaki ang ipinagbago ng mga marka gayong sinisikap ng ilan na makakuha ng mas mataas sa kanilang inaasahang marka. At isama pa natin ang mga estudyanteng umaasa sa mga sagot ng iba, hindi natin maipagkakaila na may mga kabataan talagang pala kopya sa sagot ng iba dahilan kung bakit mas natataasan pa ang nakopyahan. Read the rest of this entry

Advertisement

EDIPIKTORYAL

Edipiktorial 2

PAGGAMIT ng cellphone sa oras ng klase

“Tunay na Kaibigan”

Ni Lovely Reyes

Maaasahan, mapagkakatiwalaan, mapagbigay, mapagpakumbaba, maunawain. Pinalalabas nila ang magagandang katangian mo. Tinuturuan ka nilang maging mas mabuting tao. Yan ang tunay na kaibigan. Read the rest of this entry

Wattpad: Saan ka dadalhin?

By Zynell Mangilin

a6044fd3a88acd5043860484db972ca6Mula sa nakakikilig na tagpo hanggang sa nakakikilabot na mga eksena, mayroon kang mababasa rito. Ito ang Wattpad – isang online website kung saan makakakuha ka ng milyon-milyong babasahin na nagmula sa mga manunulat sa buong mundo.

Bawat isa sa ating mga kabataan ay mahilig sa mga kuwento. Kaya naman hindi katakataka na popular na popular ito sa mga mag-aaral na tulad natin. Kilala sa tawag na “eBook”, isang pindot lang sa cellphone o computer ay mababasa mo na ito. Kilig na kilig ang marami sa tuwing makakukuha sila ng mga “love story” kahit ito’y kathang isip lamang. Dahil sa pagsikat ng website na ito, karamihan sa mga sumikat na eBook ay isinapilikula na tulad ng “Diary ng Panget”, “Talk Back and Your Dead” at “She’s Dating the Gangster”. Nitong nakaraang Setyembre, binuksan na rin ng TV5 ang programa nilang “Wattpad Presents” kung saan ipinalalabas na rin ang iba pang likhang kwento.

Read the rest of this entry

ANTI SELFIE BILL, PROTEKSYON O SUPRESYON?

 

BY YAEL OHAWNA GONZALEZ

House Bill 4807 o “Protection against Personal Institution Act”na kilala din bilang Anti-Selfie Bill, ang isang pinanukalang batas na naglalayong gawing kaso ang pagkuha ng mga larawan ng mga pribadong tao nang walang pahintulot. Sang-ayon ka ba o hindi? Read the rest of this entry