Techno Club Pinangunahan ang Buwan ng Nutrisyon

 (Zynell Mangilin)

Mga nagagandahang mga mascot na nTampok na Bahagi: agpasiklaban noong Buwan ng Nutrisyon

Mga nagagandahang mga mascot na nTampok na Bahagi: agpasiklaban noong Buwan ng Nutrisyon

   Pinangunahan ng Techno Club, sa pamumuno ng kanilang pangulong si Zynell Mangilin ang pagdaraos ng pagdiriwang Buwan ng Nutrisyon noong nakaraang Hulyo. Ito ay may temang “Kalamidad Paghandaan, Gutom at Malnutrisyon Agapan!”

IMG_20140731_113808Naglunsad ng mga palighasan ang samahan na idinaos isang beses sa isang linggo. Kabilang rito ang Slogan Making sa unang linggo at Doodle Art Making sa ikawalang linggo. Dahil sa pagsalanta ng bagyong Glenda, naudlot ang araw ng programa kaya’t inilipat ito nang ika-31 ng Hulyo.

Sa araw ng programa, isang k   ampanya ang pinangunahan ng Techno Club may kinalaman sa paghahanda sa kalamidad. Ipinagpatuloy din ang mga paligsahang nakansela kabilang ang Vegetable and Fruit Carving at Table setting.  Nagtanghal naman ng presentasyon ang mga mascot noong hapon. Nagpakitang gilas din ang mga kalahok sa Jingle Making at Nutri Quiz. Bilang pampasiglaIMG_0442 sa mga manunuod, naghanda din ng mga “nutri games” ang samahan gaya ng Feather Blowing, Baloon Catching, Tomato Race at Flour Blowing.

Nagtapos ang pagdiriwang sa pagagawad ng karangalan sa mga nanalo sa mga paligsahan. Nanguna ang III-Hydrogen sa Jingle Making, Mascot Making at Slogan Making, Gheleiza de Luna ng IV-Einstien sa Doodle Art Making, John Heinrich Esteban sa Nutri-Quiz, Raspie Montaña sa Fruit Carving. Wagi din ang grupo nila Samantha Oriel, Ivan Samia at John Heinrich Esteban sa Table Setting.

IMG_0489IMG_0534

About zynell02

nothing...

Posted on September 20, 2014, in News and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a comment