NAGCARLAN, ISINUSULONG ANG TURISMO
(Zynell Mangilin)
Parine na sa Nagcarlan!
Bilang pagtugon sa Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009, isang pagpupulong ang Binuksan ng Sangguniang Bayan ng Nagcarlan, Lupon ng Turismo at Industriya noong ika-12 ng Setyembre.
Nakapaloob sa nasabing pagpupulong ang pagdinig hinggil sa pagbuo ng Municipal Tourism Council of Nagcarlan na magsusulong ng turismo sa bayan. Pinangunahan ang pagtitipon ni Kgg. Evelyn C. Sotoya, Tagapangulo ng Lupon ng Turismo, Kalakalan at Industriya, kasama sina Kgg. Rexon Arevalo at Kgg. Rodel Dorado. Sinimulan ito sa ganap na ika-9 ng umaga na nilahukan ng mga Punong Patnugot ng mga pahayagang pangkampus, at mga Media mula sa iba’t ibang istasyon ng radyo at pahayagan. Kabilang sa mga naimbitahan si Zynell Mangilin, Punong Patnugot ng “Ang Calumpang”.
Layunin ng binubuong konseho sa turismo na mai-promote ang bayan ng Nagcarlan bilang sentro ng relihiyon at kultura, recreation at resorts center, business center, distributor ng prutas, gulay at karne at makilala bilang “Home of Anakalang Festival”. Dagdag pa, tungkulin din ng grupo na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga pampublikong lugar. Gayun din, hangad nito na mapataas ang labor force ng Nagcarlan. Upang maisakatuparan ang mga ito, nagsagawa ng pagdinig upang matugunan ang mga pangangailangan tulad ng mga gastusin sa pag-aadbertismo. Nagtapos ang pagpupulong sa papili ng magiging kinatawan sa sector ng media at Academe kung saan napabilang ang Patnugot ng ating paaralan kung saan napili si Zynell Mangilin bilang isa sa mga kinatawan ng Media.
Posted on September 20, 2014, in Uncategorized and tagged Ang Calumpang, article, balita, Calumpang National High School, Campus, cnhs, Council, Isinisulong, Laguna, Nagcarlan, The Achievers, Tourism, Turismo, Zynell Mangilin. Bookmark the permalink. Leave a comment.
Leave a comment
Comments 0