CNHS, Nanguna sa Cluster Level Nutrition Month Contests
(Zynell Mangilin)
Kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, tatlong mag-aaral ng Calumpang ang muling nagpakita ng husay sa tagisan ng talino at pagguhit matapos ma-nguna sa Cluster Level Nutrition Month Celebration na idinaos sa Rizal Elementary School noong ika-30 ng Hulyo.
Pinangunahan ang pagdiriwang ng Rizal Rural Health. Nakamit ng tambalan nina Jonas Ortigueras at Raspie Montaña ang unang karangalan sa Quiz Bee. Tampok sa programa ang temang “Kalamidad Paghandaan: Gutom at Malnutrisyon Agapan” na pinagkunan ng ilang mga tanong. Bago makarating sa difficult round, nalusutan ng tambalan ang dalawang “elimination round” kung saan pumangalawa sila sa unang round at pumanglima sa ikalawang round. Nang simulan ang difficult round, limang paaralan ang nagtagisan, kabilang ang CNHS. Ibinalik sa 0 puntos ang mga iskor sa pagsisimula nito, bagay na nakatulong sa pagkakawagi ng ating paaralan. Magkakadikit ang labanan hanggang sa huli, nasungkit ni CNHS ang unang parangal na sinundan ng Cristobal S. Conducto
MNHS at Talangan NHS.
Hindi rin naman nagpahuli ang ating paaralan pagdating sa sining matapos manguna si Zynell Mangilin sa Poster Making Contest. Binigyan ng dalawang oras ang mga kalahok upang tapusin ang kanilang mga gawa na iginuhit sa 1/2 Illustration Board.
Tunay namang nagbunga ang isang linggo nilang pagsisikap, sa matagal na paghahanda at preperasyon sa tulong ng kanilang coach na sina Gng. Lizette at G. Arnel Mangilin.
Posted on September 20, 2014, in Uncategorized. Bookmark the permalink. Leave a comment.
Leave a comment
Comments 0