Blog Archives

TEDDY BEAR: MAIKLING PILIKULA

Inihahandog ng CNHS Productions ang kauna-unahang maikling pilikula ng paaralan na lumahok sa Pang-cluster na paligsahan ng Buwan ng Wika. Ito ay pinamagatang “Teddy Bear”, ang “love story” ng magkasintahang si Elise at Henry sa gitna ng kalamidad.

Tampok bilang pangunahing tauhan si Agea Alvarez na gumanap sa katauhan ni Elise, John Heinrich Esteban bilang Henry, Russel Collo bilang Ama ni Elise, John Paul Pelojero bilang si Jake na “best friend ni Elise”. Si Jennifer Betorio at Minnie Dava naman ang naging kapatid ni Elise, Newscaster si Shane Doria at si Carlo Arbis bilang Volunteer. Nakaayon ang pilikula sa direksyon ni Zynell Mangilin at sa patnubay ni Gng. Maylyn Elisan at Gng. Elenita Sopeña.

Nagsimula ang kuwento sa nakakikilig na pagkikita ni Henry at Elise sa kanilang “11th Monthsary” kung saan niregaluhan ni Henry si Elise ng Teddy Bear. Naging suliranin sa istorya ang pagiging sarado ng ama ni Elise sa kaniyang kasintahan dahil sa estado ng pamumuhay. Dagdag pa, ang palihim na pagkuha ni Jake sa Teddy Bear ni Elise dahil sa selos ang naging dahilan kung bakit lalong naging magulo ang pamilya. Hanggang sa may isang bagyong dumating na nagdulot ng malakas na baha, iniligtas ni Henry ang pamilya ni Elise habang si Jake ay nasagip si Elise. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kapayapaan sa pag-itan ng mga pangunahing tauhan. Nang matapos ang baha, natagpuan ni Jake ang ninakaw niyang Teddy bear at ibinalik it okay Elise nang may pagsisisi. Nagtapos ang kwento na may pagtutulungan at pagbangon sa kalamidad.

Nakapaloob dito ang mabubuti at masasamang ugali ng Pilipino tulad ng pagiging mapagmataas, seloso at mapaghinala, na pagpalala sa takbo ng kaganapan. Ngunit sa kabuoan, ipinakikita sa pilikulang ito ang natatanging ugali ng mga Pinoy – ang pagkakaisa sa kabila ng mga suliranin.

Mapapanuod ang maikling pilikulang ito sa “http://www.youtube.com” . I-search ang “Teddy Bear CNHS”. Maaari ding magtungo sa opisyal na website ng “Ang Calumpang” sa “https://cnhstheachievers.wordpress.com”.