ZERO-based Grading System IN or OUT?

Ni Jonas Ortigueras Jr.

Isa ka ba sa mga nasa top? Nagkakaroon ka ba ng ‘line of seven’ noon? Kung dati hindi baguhin natin ngayon, uso na ang line of seven at bilang isang tipikal na estudyante, masasabi kong mas mahirap ang kompetisyon ngayon. Sa pagmamasid ko sa aming mga guro, kahit sila ay nahihirapan sa mga gradong ibibigay nila sa amin. Daing din ng ibang estudyante ang pagkakaroon ng mababang marka sa paglulunsad ng rubric system o ZERO-based grading system. Sadyang malaki ang ipinagbago ng mga marka gayong sinisikap ng ilan na makakuha ng mas mataas sa kanilang inaasahang marka. At isama pa natin ang mga estudyanteng umaasa sa mga sagot ng iba, hindi natin maipagkakaila na may mga kabataan talagang pala kopya sa sagot ng iba dahilan kung bakit mas natataasan pa ang nakopyahan.

Sa kabilang banda, may hatid din naman itong mabuti. Mas nagiging masikap ang estudyante at mas nagiging alerto sa mga markang nakukuha niya. Halimbawa na lamang, kung alam ng estudyante na bumababa na ang mga iskor niya sa mga quizzes at mga activity, mas mag-aaral siya tungkol sa mga bagay na iyon. At kung determinado siyang talaga, mas maraming oras ang gugugulin niya sa pag-aaral kaysa sa panunuod ng telebisyon, pag-kokompyuter o paggagala sa labas . Tingnan pa natin ang iba pang mabuting maidudulot nito, sa pamamagitan ng ZERO-BASED grading system nalalaman kung sino talaga ang matalino, masikap, at nagbibigay ng dobleng ‘effort’ sa mga aktibidad. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang magahol sa oras ang ibang estudyante, paano kung tumutulong pala siya sa pamilya kasabay ng pag-aaral? Sa pagkakataong ito, ikaw na ang magpapasya. Estudyante, ang ZERO-based Grading System ba para sa iyo ay IN or OUT?

About zynell02

nothing...

Posted on January 29, 2015, in Editorial and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a comment