Pinakamalaking Bulaklak sa Daigdig!

ni Juvy Baltazar

“Halikayo, Sir, dali, may malaking bulaklak, ang laki-laki ang ganda-ganda, kakaiba”, ang sabi ng sabik na guide ni Joseph Arnold noong nangongolekta siya ng mga halaman sa islang Sumatra sa Indonesia.

Ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo ay ang Rafflesia Arnoldii, naisinunod sa pangalan nina Joseph Arnold at Sir Thomas Stanford Raffles, na siyang nakadiskubre ng halamang ito. Gaano kaya kaganda ang bulaklak na ito? Siguro naman ay hinding-hindi mo itong bouquet?

Una, dahil sa laki nito. Maaari itong lumaki ng hanggang isang metro ang diyametro – sinlaki ng gulong ng  bus – at tumitimbang ito na halos labing-isang kilo. Mayroon itong limang talulot na kulay pula at tadtadngputingkulugo. Ang pinaka gitna ng bulaklak ay parang palayok na nakapaglalaman ng hanggang anim na litro ng tubig.

Ikalawa, dahil sa amoy nito. Sa isang paglalarawan, ang rafflesia ay amoy “bulok na bangkay ng bupalo”. Ang langaw ay kumakain ng nabubulok na bagay ang pangunahing tagapagdal ang polen nito dahil gustong-gusto nito ang mabahong amoy ng rafflesia.

Ang rafflesia ay walang tangkay ,dahon o ugat. Isa itong parasite ng ilang uri ng halamang baging sa sahig ng kagubatan. Kapag sumibol ang buko ng rafflesia, aabutin ng sampung buwan bago ito lumaki ng husto.Pero ang kakaiba ng ganda ng bulaklak naito ay hindi nagtatagal. Pagkalaanlan ng ilang araw, magsisimula na itong mabulok at nag-iiwan nalang ng isang maitim at malagkit na kimpal.

Ngunit ang pambihirang Rafflesia Arnoldii na ito ay nanganganib na ring maubos. Kinukuha ang mga ito para gawing pagkain o tradisyunal na gamot. Malapit ng mabuos dahil sa pa tuloy na pagsira sa mauling kagubatan kung saan ito naninirahan.

About zynell02

nothing...
This entry was posted in Feature and tagged , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Pinakamalaking Bulaklak sa Daigdig!

  1. Mr WordPress says:

    Hi, this is a comment.
    To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s